significant case of irrelevance

random thoughts and observations

Posted by waltz on Jun 23, '08 2:31 AM for everyone
ang sikat na cartoon character na si mickey mouse ay likha ni walter elias disney (kilala bilang walt disney). unang syang lumabas sa isang maikling cartoon noong 1928, si walt din ang unang nagbigay ng boses kay mickey. kinagiliwan ng marami ang mga palabas ni mickey mouse, mula noong ito ay guhit sa black and white na kulay lamang hanggang naging technicolor.

mahabang panahon ang nakalipas, kilalang-kilala pa rin ang dalawa -- mula sa cartoons, theme parks, souvenirs, video games, atbp. Iba't-ibang cartoon characters na ang nailikha ni walt na naging sikat na skiat din, ngunit naging icon na ang dalawa sa larangan ng entertainment: hindi pwedeng mickey mouse lang at walang walt disney, at hindi rin pwedeng walt disney lang at walang mickey mouse.

ps: hulaan nyo ang middle name ni mickey mouse  ~:)



Posted by waltz on Jun 17, '08 1:32 AM for everyone
ang isang tanyag na simbolo ng kasarinlan sa US ay ang Statue of Liberty. taglay nito ang sagisag ng demokrasya at kalayaan mula sa pagkaka-alipin. nakasulat sa hawak nitong lapida, na nagsasagisag din ng karunugan, ang petsa nang makamtam nito ang kalayaan: Hulyo 4, 1776.

Ipinagdiriwang din tuwing ika-4 ng Hulyo ang Filipino-American Friendship Day, ang araw na lumaya ang bansang Pilipinas -- sa tulong ng Amerika -- mula sa pagkakasakop ng mga Hapon.



Posted by waltz on Jun 7, '08 1:26 AM for everyone

kadalasan ay ginagamit ang precious moments figurines bilang cake toppers.  pero sa laki ng dalawang  rebultong ito, baka isang napakalaking cake ang kailangan.

nakaka-aliw na pasyalan ang precious moments sa carthage, missouri. bukod sa dito ang punong tanggapan nila, isang museo na rin ito ng mga likha ni sam butcher (na naninirahan na ngayon sa pilipinas).

ngunit mas tanyag ang lugar na ito dahil mayroon itong wedding chapel, lalo na kung ang nais ay isang tunay na precious moments theme sa kasal -- mula sa kapilya hanggang sa reception pati na rin ang mga souvenirs.






Posted by waltz on Jun 2, '08 11:20 PM for everyone

spring na! tayo na at magpalipad ng saranggola...
mukhang madali lang pero minsan nakakayamot din, lalo na kapag pabugso-bugso lang ang hangin...












Posted by waltz on May 22, '08 2:35 AM for everyone
simpleng tubig, lagyan lamang ng kaunting ilaw, nagbibigay na ito ng kakaibang buhay.

habang naglilibot, naka-agaw ng pansin itong fountain sa may glorietta. nakaka-relax ang tunog nito na parang mahinang buhos ng ulan sa gitna ng isang abalang pasyalan.






Posted by waltz on May 17, '08 1:23 AM for everyone

isang parada ng mga hot air balloon ang idinayo namin sa may bentonville, AR. nakapanghihinayang nga lang dahil may kalakasan ang hangin kaya't di na ito nakalipad pa. kaya naman nagpasiklaban na lamang sila sa pagpapalagablab ng apoy.

kahit na kami ay nakatanaw sa kalayuan, ramdam pa rin ang tindi ng init na dulot ng kanilang mga nagbabagang apoy.




Posted by waltz on May 12, '08 12:53 AM for everyone

kung nabasa nyo ang isang pambatang aklat ni Robert McCloskey tungkol sa mga mallards (isang uri ng mga bibe), kilala nyo ang larawang lahok ko sa linggong ito.

ito ay isang simpleng kwento ng isang mag-asawang mallards na may walong ducklings ngalang, Jack, Kack, Lack, Mack, Nack, Oack, Pack, Quack. habang inaakay ng nanay ang kanyang mga anak sa pamamasyal papunta sa kanilang paboritong pulilan -- ang Public Garden Lagoon (matatagpuan sa Boston Public Garden) -- tinuturuan nya ng mga asal ang kanilang mga anak kung paano maging isang mallard, at papaano mamuhay sa isang siyudad.


mahirap tumbasan ang tungkuling ginagampanan ng isang ina. hindi lang sarili ang kailangang alalahanin.








Posted by waltz on May 2, '08 12:01 AM for everyone

ngayong tagsibol hanggang tag-araw, marami ang nagbisikleta habang naglilibot sa mga liwasan, pumapasok sa paaralan, tanggapan, o suking tindahan. pang-ehersisyo, pangpasyal, o pangkatuwaan lamang, malayu-layo din ang mapupuntahan lulan ng bisikleta.

ngunit paano na kung ang gulong ay sapad? saan pa pwedeng magpunta? pwede pa bang gumala? paano pa makakarating sa patutunguhan, o makakabalik sa pinanggalingan? nakakalungkot isipin nguni't kailangang maglakad muna...









Posted by waltz on Apr 26, '08 12:00 AM for everyone
pumila. maghintay. kabahan.
mamangha. matuwa. kabahan pa.
sandali na lang, sasakay na.

lumulan. umandar. magkrus.
sana makayanan ko. ako'y nininerbiyos.
kumapit ng mabuti. ito ay hahataw.
huminga ng malalim, sabay sigaaaaaaawwwwwwww!!!

aakyat. iikot. bababa.
kung di na kaya, ipikit ang mga mata
maya-maya lang, hihinto na (sana).

tumawa, umiyak o sumuka
sakay sa rollercoaster
walang kasing saya!

round 2?




Posted by waltz on Apr 18, '08 2:15 AM for everyone

isa sa mga paboritong laruan ko nung bata pa ako...
bukod sa paglalaro nito, ito'y nagpapa-alala na ang bawat kilos mo ay may 'domino effect' sa iba...

one of my favorite toys when i was a kid...
aside from playing with it, this reminds me that every step that you make has a 'domino effect' to others...





Posted by waltz on Apr 13, '08 6:30 PM for everyone

i have known a few of David's psalms, but this one is my favorite...
had a chance to sing it during the responsorial psalm for today's mass celebration.

the Lord is my Shepherd; i shall not want.
He maketh me to lie down in green pastures:
He leadeth me beside the still waters.
He restoreth my soul:
He leadeth me in the paths of righteousness for His name's sake.

yea, though i walk through the valley of the shadow of death,
i will fear no evil: for thou art with me;
thy rod and thy staff, they comfort me.
Thou preparest a table before me in the presence of mine enemies;
Thou annointest my head with oil; my cup runneth over.

surely goodness and mercy shall follow me all the days of my life,
and i will dwell in the House of the Lord forever.

psalm 23


-- thanks kuya for sharing this wondrous psalm when we were still kids   ~:P


Posted by waltz on Apr 13, '08 4:24 AM for everyone
kami ay minsang namasyal sa las vegas at sa kalaliman ng gabi, napagpasyahan naming pasyalan ang eiffel tower casino.  nakamamangha ang gusali ito.  tamang-tama ang liwanag ng mga nagtataasang ilaw na nagbibigay buhay sa karimlan.

ito ang aking unang lahok sa litratong pinoy (LP) at sa paghahanap ng larawang angkop sa tema, ito ang aking nahagilap.  at napansin kong halos anim na taon na pala ang nakalipas mula ng ito ay aking kunan ng litrato.









we once traveled to las vegas and in the wee hours of the night, we decided to see the eiffel tower casino.  this structure is spectacular.  the brightness of the towering lights gives life to darkness.

this is my first entry to litratong pinoy (LP) and as i searched for an appropriate image for the theme, this is what i found.  and i noticed that it has been almost six years since i took this image.





Posted by waltz on Apr 3, '08 1:23 AM for everyone

i dragged myself to the office one late Tuesday night just to test if an application deployed in production is still running after some tech guys did some server upgrades.

got to the office just in time to do the testing. i noticed i didn't have the script to work on. seems strange. i normally get that script for changes such as this. so i googled my inbox to check if there is one. tough luck. all i got is a reference number to the upgrade. i checked its details and found the script that i was looking for.  yehey!

suddenly i noticed that the install date was changed to friday. freaking friday! no one told me about the change in schedule. so, what else am i doing all alone in the office?

i realized that that tuesday night was april fool's day. boohoo. i fell for it.

as i was about to head home, my desk phone rang... an outside call? from whom? the server tech guys?

it turned out to be an officemate who was also waiting for the upgrade to happen, and since it isn't happening [at least not after 36 hours later], that person decided to call me instead. after the realization, we were both rolling on the floor laughing.

haha! at least i'm not the only one. i drove home smiling ~:P



"...i used to laugh but now i understand
shake the hand of a brand new fool..."



ps. guess who's the caller? clue: one of my multiply contacts...

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help